1. Ano Ano Ang Mga Pagbabanta Ni Donya Victorina Na Labis Pinangangambahan Ni Linares?, 2. Ano Ang Pinaplanong Gawin Ni Linares?, 3. Ano Ang Sinabi Ni

1. Ano ano ang mga pagbabanta ni donya victorina na labis pinangangambahan ni linares?

2. Ano ang pinaplanong gawin ni linares?
3. Ano ang sinabi ni sinang kay maria clara na nagpaluha sa dalaga?
4. Ano ang paliwanag ng kabanata 51 na pinamagatang Mga pagbabago sa Noli me Tangere?

Noli Me Tangere

Kabanata 51: Mga Pagbabago

1. Nagbanta si Donya Victorina na sasabihin kay kapitan Tiyago na si Linares ay hindi naging kalihim at hindi nakasama ni Heneral Martinez sa alinmang kasiyahan. Sasabihin din niya kay Maria Clara ang tungkol dito at hindi niya bibigyan ng salapi si Linares

2. Binalak ni Linares na humanap ng padrino. Naisip niya na lapitan sina Padre Salvi at kapitan Tiyago ukol sa bagay na ito.

3. Sinabi ni Sinang kay Maria Clara na limutin na niya ang binatang si Crisostomo Ibarra.

4. Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga pagbabago sa pagitan ni Ibarra at ni Maria Clara. Sa kabila ng pagkakatanggal ng parusang ekskomunikasyon kay Ibarra, hindi na nagbalik ang dating sigla ng samahan nina Ibarra at Maria Clara. Katunayan, nagpasya na si Maria Clara na ipabatid kay Ibarra na siya ay limutin na ng binata ngunit sadyang tapat ang pag ibig ni Ibarra para sa dalaga kaya nais niyang makausap muli ang dalaga. Nagkaroon din ng pagbaabgo sa pag uugali ni Ibarra. Sa mga sususnod na kabanata ay mababasa na siya ay gagawa ng mga hakbangin ukol sa kanyang planong paglusob. Sa hakbanging iyon ay kakailanganin niya ang tulong ni Elias.

Read more on

brainly.ph/question/2136450

brainly.ph/question/1393560

brainly.ph/question/2161708


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Imperyalismo