Ano Ang Mensahe Ng Kabanata 22 Liwanag At Dilim Sa Noli Me Tangere

Ano ang mensahe ng kabanata 22 liwanag at dilim sa noli me tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 22: Liwanag at Dilim

Mensahe:

          Sa kabanatang ito nais iparating ni Rizal na ang paggalang at kagandahang asal ay hindi itinuturo kundi kusang bumubukal sa puso at isip ng isang tao batay sa kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang. Hindi man nakasama ni Crisostomo ng matagal ang kanyang mga magulang, naging maayos naman ang kanyang paglaki sapagkat siya ay nakapag aral at nahubog sa kabutihang asal. Kaya naman imbes na balewalain ang kura nagawa pa niya itong anyayahan sa gagawing piknik. Sa kabila ng kahilingan ni Maria Clara na isantabi ang kura, sinunod pa rin ni Ibarra ang laman ng kanyang puso.

            Nais din iparating ni Rizal na ang mga hangarin ng tao para sa iba ay maaaring mabuti at masama. Ang mga mabubuting hangarin sa kapwa ay tulad ng liwanag samantalang ang mga masamang hangarin naman ay maihahalintulad sa dilim. Si Padre Salvi ay nagnanais na makasama sa piknik hindi dahil nais niyang makasama ang grupo ng mga kabataan kundi para bantayan ang kanyang sinisintang si Maria Clara. Sapagkat naninibugho siya kay Crisostomo Ibarra at nais niya na mabantayan ang kilos nito kapag kasama si Maria Clara. Ang puso niya ay puno ng pagnanasa para sa dalaga kaya naman sinamantala niya ang paanyaya na ibinigay ng binata.

Read more on

brainly.ph/question/1388874

brainly.ph/question/2135063

brainly.ph/question/2119860


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Imperyalismo