Ano Ano Ang Mga Katangian Ni Crisostomo Ibarra

Ano ano ang mga katangian ni Crisostomo Ibarra

Noli Me Tangere

Crisostomo Ibarra

Si Crisostomo Ibarra ay nakilala sa nobelang Noli Me Tangere bilang ang matipuno at matalinong anak ni Don Rafael Ibarra na nagmula sa Europa upang makapagtapos ng pag aaral. Isa sa mga natatangi niyang katangian bukod dito ay ang ayaw niya na may nagagalit sa kanya. Marahil ito ay upang hindi siya na matulad sa kanyang ama na itinuring na erehe at pilibustero. Nais niya na makilala siya bilang isang taong may prinsipyo at makatwiran. Batid niya na sa oras na merong magalit sa kanya ay madadamay sa galit na ito ang kanyang pamilya at ang kasintahan na si Maria Clara. Sa simula pa lamang ng kanilang ugnayan na naramdaman na ni Ibarra na hindi pabor sa kanya si Padre Damaso para sa dalaga kaya naman pilit niyang pinalalampas ang kagaspangan ng pag uugaling ipinakikita nito sa kanya.

Hindi maipagkakaila na maging ang kurang si Pari Salvi ay hindi kayang pantayan ang pagiging malapit ni Ibarra sa kanyang kasintahan na si Maria Clara kaya naman labis ang paninibugho ng kura na mayroon ding pagtangi sa dalaga bagay na hindi lingid sa dalaga at kay Crisostomo Ibarra. Maging ang mga kaibigan ni Ibarra ay naapektuhan ng galit ng mga prayle sa kanya sapagkat ang kanyang kaibigang si Quiroga ay hindi nakatanggap ng konsulado sa kanyang bansa sa kabila ng kasipagan at pagiging magiliw nito sa mga prayle. Katunayan, nagkaroon pa ito ng pagkakautang kay Simoun (ang bagong Ibarra) upang mabigyan lamang ng regalo ang isang babae na kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.

Read more on

brainly.ph/question/2094453

brainly.ph/question/1266600

brainly.ph/question/2136672


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Imperyalismo