Bakit Mahalaga Ang Pag Aaral Sa Paghahanda Sa Pagnenegsyo At Paghahanapbuhay

Bakit mahalaga ang pag aaral sa paghahanda sa pagnenegsyo at paghahanapbuhay

MAHALAGA ANG PAG-AARAL SA PAGHAHANDA SA PAGNENEGSYO AT PAGHAHANAPBUHAY. Bakit? Dahil ang pag-aaral ay unang hakbang para matuto kang maghanap ng trabaho at magpatayo ng negosyo. Ang pag-aaral mo ay higit na makakatulong kapag nagapply ka na sa isang kompanyang mapapasukan. Bago pa makapasok kailangan ay maipasa mo ang mga exams. Syempre pa, kailangan sa pagaapply ay marunong kang bumasa at sumulat. Kaya paano kapag hindi ka nag-aral, magagawa mo ba iyon?

Ganoon din sa pagtatayo ng negosyo, kailangan marunong kang bumasa at sumulat, lalong higit ang pagtototal ng mga gastusin sa negosyo, pagpaparehistro nito sa gobyerno.

Ang pag-aaral mo rin ang tutulong sayo para magawa mong harapin ang mga problemang babangon sa iyong negosyo at pagtatrabaho. Paano kung usaping mga papel at matimatika ang problema, mareresulba mo ba ito ng maayos kung hindi ka nag-aral?

Sa kabilang banda, hindi rin naman tama na sobra ka nang magpokus sa pag-aaral, anupat wala ka nang panahon sa pamilya, sports, kaibigan at lalong higit sa espiritwal na mga bagay. Tandaan mo, hindi rin sapat ang basta pag-aaral lang, kailangan na natututo ka talaga at magagamit mo ito sa bubay sa hinaharap kapag nagtrabaho ka na.

Oo , kailangan ng lahat ng kasanayang sa pag-aaral para maabot mo ang mga nais mo sa buhay pagtatrabaho man ito sa kompanya o sa pagnenegosyo.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Imperyalismo